-- Advertisements --

Nakatakdang bumisita sa Vietnam si US Secretary of State Antony Blinken.

Ang nasabing anunsiyo ay kasunod ng tensiyon na namumuo sa pagitan ng China at Taiwan.

Uunahin na bibisitahin ni Blinken ang Vietnam bago ang kaniyang pakikipagpulong sa Group of Seven foreign ministers sa Karuizawa, Japan.

Inaasahang tatalakayin niya sa mga opisyal ng Vietnam ang pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Indo-Pacific region.

Ito ang unang pagkakataon na bumisita si Blinken sa Vietnam mula ng maupo sa puwesto.