-- Advertisements --
Itinuturing ni US Secretary of Defense Lloyd Austin na ang ginagawa ng Russia na pag-atake sa mga sibilyan sa Ukraine ay nagpapatunay na nararapat na dagdagan ang tulong sa Ukraine.
Sa ginawang pagpupulong sa Ukraine Defense Contact Group sa Brussels, Belgium, na nararapat na maghanap na ng solusyon ang mga kaalyadong bansa ng Ukraine para matigil na ang pag-atake ng Russia.
Kapag hindi na ito mapigilan ay maraming mga sibilyan pa ang madadamay.
Pagtitiyak din nito na patuloy ang kanilang pagbibigay ng military support sa Ukraine gaya ng High Mobility Artillery Rocket System (HIMAR) systems para matulungan sila sa counter-offensive laban sa Russia.