-- Advertisements --
Muling itinakbo sa pagamutan si US Defense Secretary Lloyd Austin.
Ayon kay Maj. Gen. Pat Ryder ang Pentagon press secretary na dinala si Austin sa Walter Reed National Military Medical Center dahil sa sintomas na naranasa sa kniyang bladder.
Nabigyan na ng impormasyon ang White House at US Congress ukol sa nasabing usapin.
Nakahanda naman si Deputy Defense Secretary Kathleen Hicks na gampanan ang trabaho ni Austin kung kinakailangan.
Magugunitang noong nakaraang Enero ay hindi ipinagpaalam ni Austin kay US President Joe Biden ang nasabing pagka-ospital nito na umani ng batikos.