Plano ni US President Joe Biden na buhayin ang kaniyang agenda para matalakay ang matagal ng problema sa climate change sa gitna ng heatwaves na nararanasan ngayon sa Estados Unidos at Europa.
Ayon kay Biden ang climate change ay isang malinaw at kasalukuyang banta kung kayat para matugunan ito ay maglalaan ang US President ng $2.3 billion bilang investments para makatulong sa pagtatayo ng imprastruktura sa Amerika para matugunan ang climate disasters.
Saad pa ng US President nakalagay ngayon sa panganib ang kalusugan ng kanilang mga mamamayan at kanilang komunidad gayundin ang national security at ekonomiya ng Amerika kung kailangan na aniyang kumilos.
Giit ni Biden na maituturing itong emergency kung kayat gagamitin nito ang kaniyang executive powers para malabanan ang climate change meron man o walang suporta mula sa mga US Congress.
Sa ngayon, pinag-iisipan pa ni Biden kung magdedeklara ng formal climate emergency na magbibigay sa kaniya ng karagdagang policy powers.