-- Advertisements --

Isinasapinal na ng US ang pagpapadala ng Patriot missile defense system sa Ukraine.

Ang nasabing plano aniya ay kailangan pang-aprubahan ni Defense Secretary Lloyd Austin bago ipadala kay US President Joe Biden na kaniyang pipirmahan.

Hindi naman malinaw kung ilang missile launchers ang kanilang ipapadala sa Ukraine.

Nauna ng makailang beses na humirit ang Ukraine sa US na dapat magpadala ang mga ito ng advance long-range air defense system na epektibo sa pagharang ng mga ballistic at cruise missiles ganun din ang mga drones ng Russia.