-- Advertisements --
Inanunsiyo ng White House na mayroong silang pinabagsak na isang uri ng “high-altitude object” na umiikot sa Alaska.
Sinabi ni National Security Council coordinator for strategic communications John Kirby na ang kasing laki ng isang maliit na kotse ang nasabing pinabagsak nilang bagay.
Mismo aniya si US President Joe Biden ang nag-utos na pabagsakin ito at hindi alam kung saan ito galing.
Dagdag pa ni Kirby na ang nasabing bagay aniya ay lumilipad ng hanggang 40,000 talampakan na magdudulot umano ito ng pangamba sa pampasaherong eroplano.
Gumamit ang US ng kanilang F-22 jet para mapabagsak ang nasabing hindi malamang bagay.
Bumagsak ito sa karagatan at ito ay mas maliit kumpara sa pinaghihinayang spy balloon ng galing umano sa China.