Inanunsiyo ni US President Joe Biden na papatawan nila ng sanctions ang mga military leaders ng Myanmar.

Kasunod ito ng nagaganap na kudeta sa nasabing bansa.

Sinabi ni Biden na inaprubahan na niya ang bagong executive order na nagbibigay ng agarang sanctions sa mga military liders na nagpasimuno ng coup.

Kabilang sa mga nabigyan ng sanctions ay kanilang pamilya at mga negosyo.

Nakatakdang ianunsiyo nito kung ano-ano ang mga sanctions na ipapataw sa nabanggit na mga military liders.

-- Advertisement --