Ibinunyag ng US ang ginawang pagkomprontra ng kanila ng Chinese fighter jets.
Nangyari ang insidente umano habang lumilipad ang US Navy reconnaissance jet sa West Philippine Sea.
Bigla na lamang silang nakatanggap ng tawag sa radyo mula sa People’s Liberation Army (PLA) airport.
Dito ay pinagsabihan ang piloto ng US Navy P-8 Poseidon na nasa ibabaw na umano sila ng airspace ng China.
Pagkatapos nito ay sumulpot ang fighter jet ng China na armado ng air-to-air missiles.
Sinabi ni Lt. Nikki Slaughter, ang piloto ng American plane na pilit silang pinapalayas ng eroplano ng China.
Tumagal ng halos 15 minuto na nanatiling nakabuntot sa kanila ang eroplano ng China hanggang tuluyan na silang nawala.
Magugunitang ipinagigiitan ng China na bahagi ng kanilang mga bansa ang mga isla na matatagpuan sa West Philippine Sea.