-- Advertisements --
Richard Spencer
Richard Spencer

Tinanggal na si US Navy chief Richard Spencer dahil sa bigong paghawak nito ng kaso ng isang Navy Seal na na-demote.

Sinabi ni US Defense Secretary Mark Esper, nawalan ito ng tiwala kay Spencer dahil sa kumalat na private conversations sa White House na sumasalungat sa position nito sa publiko.

Ang pagkakatanggal kay Spencer ay dahil sa kaso ni Edward Gallagher, isang navy seal, na hinatulan matapos magpakuha ng larawan sa isang bangkay ng Islamic State militant na kanilang napatay.

Magugunitang inakusahan si Gallagher ng pananaksak sa isang 17-anyos na Islamic State group prisoner at kaniyang napatay ganun din ang pamamaril sa mga sibilyan noong ito ay nakatalaga sa Iraq sa taong 2017.

Sinampahan ito ng kaso at nademote ito subalit ibinalik din ni US President Donald Trump ang rangko nito matapos ang ilang buwan.