-- Advertisements --
Nakatakdang magbitiw sa kaniyang puwesto si US National security adviser Mike Waltz.
Ayon kay US President Donald Trump na kasamang sisibakin ang deputy national security adviser na si Alex Wong.
Paglilinaw ni Trump na kaniyang planong italaga si Waltz bilang United Nations Ambassador.
Itatalaga naman nitong pamalit sa puwesto ay si US Secretary of State Marco Rubio.
Ilan sa mga itinuturong dahilan ay ang kawalan na ng tiwala si Trump kay Waltz lalo na sa mga polisiya na kaniyang ipinapatupad.