-- Advertisements --

Napatay ng US military sa pamamagitan ng drone strike ang Kataib Hezbollah commander na responsable sa pag-atake sa mga American forces sa Iraq.

Ayon sa US Central Command, tinamaan nila ang sasakyan kung saan nakasakay ang target nilang si Wisam Mohammed Saber al-Saedi.

Walang anumang sibilyan na nadamay sa nasabing atake na ito ng US.

Ang nasabing atake ay bilang ganti ng US laban sa mga Iran-backed militants na siyang responsable sa drone attack sa US outpost nila sa Jordan na ikinasawi ng tatlong sundalo nila.