-- Advertisements --

Isinusulong pa rin ng US sa Israel na dapat ay matiyak na mananatiling bukas at gumagana ng mga communication lines sa Gaza.

Ayon kay State Department spokesperson Matthew Miller na mahalaga na hindi magkaroon ng aberya ang mga pagdaan ng mga tubig, langis at mga kakailanganin ng mga sibilyang naiipit sa kaguluhan sa Gaza.

Pumayag na rin aniya ang Israel na buksan ang ikalawang linya ng tubig sa Gaza.

Magugunitang isa ang US sa aktibong nakikiusap sa Israel na kung maari ay magkaroon ng ceasefire sa Israel at Hamas militants.