-- Advertisements --
Nagtayo ang US ng unang Space Force Command sa South Korea dahil sa patuloy na banta ng North Korea.
Ang pagtayo ng US Space Forces Korea ay siyang pinakabagong sangay ng US Military at unang presensiya ng mga sundalo ng US sa Korean Peninsula.
Isinagawa ang pagtatayo dahil sa walang humpay na pagpapakawala ng North Korea ng kanilang ballistic missiles.
Naganap ang opening ceremony ng paglulunsad ng bagong unit sa hangar ng Osan Air Base sa Pyeongtaek na may layong 65 kilometers ng south Seoul.
Ayon kay Space Forces Korea commander Lt. Col. Joshua McCullion na sa pagtatayo nila ng bagong kampo ay maipapakita na handa ang South Korea sa anumang banta.