-- Advertisements --

Patuloy ang mga usap-usapan tungkol sa relasyon nina Atasha Muhlach at Jacob Ang online matapos silang makita sa isang pagtitipon kasama ang pamilya ng aktres nitong Agosto 10.

Sa social media ibinahagi ng netizen ang mga larawan kung saan makikitang malapit na nakatayo si Jacob sa likod ni Atasha habang nagkakasalo sa isang intimate dinner kasama ang mga magulang nitong sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Nabatid na nag-umpisa ang mga rumor ng kanilang relasyon nang mapansin ng mga netizens ang madalas na pag-like ni Jacob sa mga post ni Atasha sa Instagram noong nakaraang buwan.

Gayunpaman, nilinaw ng ama ni Jacob na si Ramon Ang, sa isang interview na ang dalawa ay “magkaibigan lang,” at inilarawan niya si Atasha bilang isang “nice lady.”

Si Atasha ay kasalukuyang tampok sa isang series at isa ring host ng noon time show, samantalang ang kanyang kambal na si Andres Muhlach ay patuloy na gumagawa ng pangalan sa showbiz.