-- Advertisements --
Naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine ang actor na si Aga Muhlach sa Lungsod ng Muntinlupa.
Kasama nitong nagpabakuna ang asawang si Charlene at kambal nilang anak na sina Andres at Atashan.
Ayon sa Muntinlupa City Government na sumunod sa step by step proceso ang nasabing pamilya bago sila nabigyan ng bakuna.
Pinasalamatan naman ng dating beauty na si Charlene Gonzales ang Muntinlupa City government dahil sa naging matagumpay na vaccination program nila kung saan ang itinurok sa kanila ay AstraZeneca.
Hinikayat din nito ang mga mamamayan na magpaturok na ng bakuna para sa proteksyon ng kanilang mahal sa buhay.