-- Advertisements --
Naitala sa US ang unang kaso ng pagkakasawi matapos dapuan ng monkeypox.
Ayon sa Texas health authorities, na kanilang iniimbestigahan kung paano kumalat ang monkeypox sa katawan.
Sinabi naman ni Jennifer McQuiston of the Centers for Disease Control and Prevention na ang nasawing pasyente ay isang lalaki na may edad na.
Naging mahina na ang kaniyang kalusugan na nagdulot ng kamatayan nito.
Sa kasalukuyan ay mayroong 18,100 kaso ng monkeypox ang naitala sa US habang sa bunog mundo ay mayroong mahigit 40,000 base na rin sa datus ng World Health Organization (WHO).