-- Advertisements --

Naglunsad ang US ng missile strikes laban sa mga Iranian-backed militias na nakabase sa Iraq at Syria.

Hindi pa malinaw kung ilang katao ang nasawi sa nasabing retaliatory strikes na ito ng US.

Isa umano itong pagganti ng US sa ginawang drone strike sa kanilang outpost sa Jordan na ikinasawi ng tatlong sundalo ng Amerika.

Magugunitang tiniyak ni US President Joe Biden na sila ay gaganti sa ginawa na ito ng mga militant groups ng Iran.