-- Advertisements --

Ipinagtanggol US Navy ang ginawa nilang pagpapalipad ng kanilang eroplano sa karagatang sakop ng Taiwan.

Ayon sa US Indo-Pacific Command , na ang pagpapalipad nila ng P-8A Poseideon reconnaissance plane ay bahagi ng pangako sa malaya at bukas na Indo-Pacific.

Isinagawa nila ang pagpapalipad ng eroplano matapos ang pagreklamo ng Taiwan sa ginawang pagpalipad ng China ng nasa 29 eroplano sa kanilang nasasakupan.

Paliwanag ng US Navy na sa international airspace lumipad ang kanilang eroplano.

Patuloy kasi na iginigiit ng China na bahagi pa rin nila ang Taiwan.