-- Advertisements --
Nagpadala ang US ng 1.1 million bullets o bala na nasamsam mula sa Iran noong nakalipas na taon para sa Ukraine.
Ayon sa US Central Command na nakatutok sa mga operasyon sa Middle East, nasabat ang nasabing mga ammunition mula sa isang barko patungong Yemen noong Disyembre.
Ipinadala ang nasabing Iranian bullets sa Ukraine noong Lunes.
Dagdag pa nito na ang ammunition ay 7.62mm calibre na ginamit noong Soviet-era at sa light machine-guns.
Orihinal na nasamsam ang munitions ng US naval forces mula sa barkong Marwan 1 noong Disyembre 9.
Ang pagpapadala ng Iranian ammunition sa Ukraine ay kasunod na rin paghahanap ng Biden administration ng alternatibong paraan para matulungan ang Ukraine sa gitna ng oposisyon ng ilang mambabatas sa US Congress.