-- Advertisements --

Ipinahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na ipagpapatuloy pa rin nila ang kanilang operasyon sa Buluan, Maguindanao del Sur kasunod ng nangyaring paghagis ng granada sa isang bahay ng vice-gubernatorial candidate.

Ayon kay Garcia, wala namang naitalang nasaktan sa naturang pagsabog. Ang Buluan, Maguindanao del Sur nasa ilalim na ng COMELEC Control kaya naman magpapatuloy pa rin ang kanilang mekanismo at operation plan. May mga presensya pa rin ng Pambansang Kapulisan at Armed Forces of the Philippines pero hindi na sila magdadagdag pa.

Paliwanag ni Garcia, ito ay kanilang ginagawa para kumilos ang COMELEC katulad ng pagtake-over sa LGU o di kaya’y damihan pa ang PNP at AFP, nanindigan siya na magpapatuloy lamang sila sa kanilang mga ginagawa sa lugar pero titiyakin pa rin ang seguridad ng halalan sa Mayo 12.