-- Advertisements --
Patay ang 12 katao habang sugatan ang 27 iba sa naganap na suicide attack sa labas ng isang korte sa Islamabad, Pakistan.
Ayon kay Pakistan interior minister Mohsin Naqvi, tinangka ng bomber na atakihin ang district courthouse pero hindi ito nakapasok.
Hindi pa malinaw kung anong grupo ang nasa likod ng nasabing pag-atake.
May ginagawa na silang mahigpit na imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.
Dinala na sa pagamutan ang mga sugatang biktima sa insidente.
Mariing kinondina naman ni Pakistani President Asif Ali Zardari ang nasabing insidente.
















