-- Advertisements --

WASHINGTON – Naglunsad na ang Estados Unidos ng cyber attacks laban sa Iranian missile control systems at sa isang spy network nitong linggo matapos na pabagsakin ng Tehran ang isang American surveillance drone.

Ayon sa US media, ipinag-utos daw ni US President Donald Trmp ang retaliatory military strike kontra Iran makaraang pabagsakin ang drone ng America pero kalaunan ay binawi rin ito, sa pagsasabi na ang naturang hakbang ay hindi “proportionate” at sa halip ay magpapataw na lamang ng bagong mga sanctions sa nasabing bansa.

Pero matapos pabagsakin ang drone, palihim na pinahintulutan daw ni Trump ang US Cyber Command na magsagawa ng retaliatory cyber attack sa Iran, ayon sa The Washington Post.

Ang pag-atake na ito ay nagresulta sa ‘di paggana ng mga computers na ginagamit para i-control ang mga rocket at missile launches, ayon sa Post, na tinukoy naman ang mga taong pamilyar sa naturang usapin.

Sinabi ng Post na ang striokes na ito, ay nakaplano na sa nakalipas na mga linggo ay nauna nang iminungkahi bilang ganti sa tanker attacks.

Tumanggi muna ang mga US defense officials na magkomento sa mga reports na ito. (Agence France-Presse)