Inabisuhan ng US State Department ang kanilang mamamayan na pag-isipang mabuti ang kanilang binabalak na pagbisita sa mga bansa sa Asya dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
Karamihan daw kasi ng mga Amerikano ay sumasakay ng cruise ships para puntahan ang iba’t ibang lugar sa Asya.
Ito ay dahil na rin sa posibilidad na maaapektuhan ang mga ito ng ipinatupad na travel restrictions ng US o di kaya naman ay isailalim ang mga ito sa 14-days quarantine procedures.
Nagbabala rin ang State Department na huwag lamang umasa ang mga ito sa repatriation flights na inorganisa ng American government.
Ipinagmalaki din nito ang matagumpay na paglilikas sa daan-daang US citizens na sakay ng Diamond Princess cruise ship sa Japan.
Samantala, kumpyansa naman ang mga opisyal ng Princess Cruises na muling makakabalik sa operasyon ang Diamond Princess cruise ship sa April 29.
Kasunod ito ng kinaharap na krisis ng kumpanya matapos maitala sa nasabing barko ang pinaka-malaking bilang ng mga pasyenteng dinapuan ng coronavirus sa labas ng China.