Naghahanda ang tatlong estado sa US dahil sa pangamba ng pananalasa ng Hurricane Hillary.
Inaasahan na sa araw ng Linggo ay dadaan sa California, Arizona at Nevada ang nasabing Hurricane Hillary.
Magdudulot ito ng matinding pag-ulan na magreresulta sa malawakang pagbaha.
Ayon sa National Hurricane Center, nasa Category 4 na ito ngayon sa 400 milya ng south Cabo San Lucas, Mexico na mayroong lakas ng hangin na 145 mile per hour.
Malaki rin ang tsansa na maging category 5 ang Hurricane Hillary na habang lumalapit sa California peninsula.
Sa pagtaya naman ng National Oceanic and Atmospheric Administration na kapag mag-landfall ito sa California ay magiging tropical storm na.
Maituturing na ito ang unang bagyo na nag-landfall sa California sa loob ng 84 na taon.