-- Advertisements --
Dinagdagan ng US ang kanilang nakatalagang sundalo sa kanilang military base sa Djibouti, Sudan sakaling magsagawa ng emergency evacuation dahil sa patuloy na kaguluhan doon.
Ayon sa Pentagon na may mga nakahanda na silang mga plano kapag tumindi pa ang labanan sa pagitan ng mga sundalo at paramilitary ng Sudan.
Ang Djibouti ay isang maliit na bansa mayroong isang milyong katao na siyang lugar kung saan nagrerenta ang US ng kanilang base militar mula pa noong 2014.
Sinabi naman ni White House spokesperson John Kirby na ipinag-utos ni US President Joe Biden ang pag-reposition ng kanilang sundalo para sa mabilisang paglikas ng mga mamamayan nila na naiipit sa gulo sa Sudan.