Todo ngayon ang babala ng Estados Unidos ang China na saklaw ng Mutual Defense Treaty ang ano mang pag-atake sa Armed Forces of the Philippines (AFP), at mga pampublikong sasakyan ng Pilipinas, kabilang ang Coast Guard.
Ang pahayag ay ginawa ni US State Department Spokesperson Ned Price, kasunod ng ginawang panunutok ng laser ng Chinese Coast Guard sa crew ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea nitong Pebrero 6.
Ayon kay Price, ang ginawa ng China na paghadlang sa legal na operasyon ng Philippine Coast Guard sa Second Thomas Shoal, ay mapang-hamon at mapanganib, na nagresulta sa pansamantalang pagkabulag ng crew ng BRP Malapascua.
Sinabi pa ni Price na ang mapanganib na pagkilos ng China ay direktang banta sa kapayapaan at stabilidad sa rehiyon, at paglabag sa “Freedom of Navigation” sa South China Sea alinsunod sa International Law.
Giit ni Price, walang legal na pag-aangkin ang China sa Second Thomas Shoal, at nasa panig ng Pilipinas ang Estados Unidos sa pagtataguyod ng rules-based maritime order.