Nilinaw ng namumuno sa US museum na Ripley’s Believe it or Not na hindi nasira ni Kim Kardashian ang iconic gown ni Marilyn Monroe.
Hiniram kasi ng reality star ang iconic gown noong nakaraang buwan ng dumalo ito sa Met Gala.
Matapos ang ilang araw ay kumalat sa social media ang larawan na tila nasira ang nasabing iconic gown kung saan may mga nawawalang crystals na nakakabit doon.
Isinuot ni Monroe ang gown noong kumanta siya ng Happy Birthdy kay President John F Kennedy noong 1962.
Nabili ng Ripleys ang gown noong 2016 sa halagang $4.8 milyon na itinuring bilang Guinness World Record na may pinakamahal na damit na nabili sa auction.
Sa ngayon ay tinatayang nagkakahalaga na ito ng $10-M.
Ang gown ay nagtataglay ng mahigit 6,000 na crystals na nakatahi at ito ay dinesenyo ni Jean Louis.
Paliwanag naman ng kampo ni Kardashian na ilang minuto lamang nito isinuot ang gown at agad naman na pinalitan ng replica na ginamit sa buong gabi noong Mayo 2.