Tumataginting na isang milyong dolyar ang reward na ibibigay ng US para sa makapagbibigay impormasyon tungkol sa anak ng namayapang al-Qaeda leader, Osama Bin Laden.

Ayon sa mga opisyal, si Hamza Bin Laden ang tumatayong lider ng islamist militant group matapos mapatay ang kanyang ama sa isang engkwentro nito laban sa US special forces noong 2011.

Pinaniniwalaan na siya ay nakabase ngayon sa Afghan-Pakistani border.

Matatandaan na noong mga nakaraang taon ay naglabas si Hamza ng mga audio at video messages kung saan tinatawagan niya ang kanyang mga kasamahan upang magsagawa ng paghihiganti sa pagkakapatay sa kanyang ama. (BBC)