-- Advertisements --

May inilatag na ang US na mga evacuation plan para sa mga mamamayan nila na nasa Israel.

Ayon kay US ambassador to Israel Mike Huckabee na may ilang mamamayan nila ang nais na umalis sa Israel dahil sa tumitinding gulo nila ng Iran.

Nakahanda na umano ang kanilang US embassy sa Jerusalem na mga evacuation flights at cruise ships na gagamitin.

Tinuruan din nito ang mga mamamayan kung paano magrehistro para sa evacuation process.

Maguguntang patuloy ang pagpapaulan ng Israel ng missiles sa Iran dahil sa umanoy pagpapalawak ng kanilang nuclear weapons.