-- Advertisements --

Binsita ni US Secretary of State Antony Blinken ang Turkey matapos ang pagtama ng magnitude 7.8 na lindol halos magdalawang linggo na.

Dumating si Blinken sa Incirlik Air Force Base nitong Linggo para pag-usapan kung paano makakatulong ang US.

Lulan ng helicopter kasama si Turkish Foreign Minister Mevlut Cavusoglu ay inikot nila ang mga lugar na malubhang tinamaan ng lindol.

Sinabi nito na kailangan ang pang matagalan na tulong para tuluyang makabangon ang mga biktima ng lindol.

Mula kasi ang paglindol noong Pebrero 6 ay nagpadala ang US ng kanilang mga search and rescue team.

Mayroon ding dagdag na $85 milyon na humanitarian aid o tulong na ibinigay ang US para sa mga biktima ng lindol sa Syria at Turkey na ikinasawi ng mahigit 45,000 katao na.

Balak din umano ni US President Joe Biden na magbigay ng dagdag na $50 milyon sa Emergency Refugee and Migration Assistance Funds (ERMA).