-- Advertisements --
Naging matagumpay ang ginawang test ng US sa kanilang hypersonic missile.
Ito ay matapos ang isang buwan ng hindi matagumpay ang kanilang test.
Ang Air-launched Rapid Response Weapon ay inilunsad sa B-52H bomber sa karagatan ng Southern California.
Kinumpirma ni Brig. Gen. Heath Collins ng Air Force program executive officer for weapons ang nasabing matagumpay na paglunsad pero hindi na nagbigay pa ng ibang mga detalye.
Ang nasabing missile ay gumamit ng booster rocket para mapabilis ang paglipad nito.
Magugunitang tatlong beses na pumalpak ang isinagawang missile test ng US ng kanilang Air-launched Rapid Response Weapon noong nakaraang mga buwan.