-- Advertisements --
Nakatakdang ianunsiyo sa kaniyang State of the Union Address ni US President Joe Biden pagbuo ng bagong pantalan sa Gaza para sa daanan ng mga humanitarian aide.
Ayon sa White House na ito ang mahigpit na utos ni Biden sa kaniyang military para makarating ang mga malalaking barko na may dalang mga pagkain, tubig, gamot at temporaryong tirahan.
Ang temporaryong pantalan ay maaring magmumula sa Cyprus.
Una ng nagsagawa ng pag-air drop ng mga pagkain ang US sa mga mamamayan ng Gaza.
Mula ng pinaigting ng Israel ang kanilang military operations sa Gaza ay umabot na sa mahigit 30,000 katao na ang nasawi.
Ikinabahala na rin ng United Nations ang pagdami ng bilang ng mga nagugutom sa nasabing lugar.