Ngayong linggo inaasahang darating ng Pilipinas ang nasa 3,000 COVID-19 test kits mula Estados Unidos na in-order ng estado kasunod ng pinalawak na testing.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire, dadaan muna sa validation ang naturang kits bago i-distribute sa mga certified laboratory testing facilities.
Posible raw na abutin ng dalawa hanggang tatlong araw ang validation dahil titingnan pa kung pasok sa kasalukuyang testing process ng bansa ang kits.
Nilinaw ni Usec. Vergeire na kahit rapid test ang GeneXpert kits ay hindi ito katulad ng mga naunang napabalita na rapid antibody test kits na nagbibigay ng “false negative” results.
Ayon sa DOH, unang ginamit para sa detection ng tuberculosis ang naturang testing machine.
Pero nadiskubre na ang mga bagong cartridge nito ay may kakayahang maka-detect ng virus na nagdudulot sa COVID-19 infection.
Dahil automated, mas maikli ang processing time nito sa resulta mula, kumpara 24 hanggang 72 hours na kasalukuyang running time ng test.
Bukod sa PCR test kits, itinuturing din na gold standard para sa detection ng bagong pathogen o microorganism na nagdudulot ng virus, ang GeneXpert testing cartridge.