-- Advertisements --
Nanguna ang US sa maraming mga bansa na nagalit sa airstrike ng Israel sa Gaza na ikinasawi ng pitong aid workers.
Sinabi ni White House national security spokesman John Kirby, na lubhang nakakagalit ang pangyayari kung saan pitong mga civilian humanitarian workers mula sa World Central Kitchen ang nasawi.
Ang nasabing mga sibilyan aniya ay pawang mga tumutulong lamang para mabigyan ng pagkain ang mga mamamayan sa Gaza na naiipit sa kaguluhan.
Una ng sinabi ni Israeli Prime MInister Benjamin Netanyahu na hindi sinadya ng kaniyang sundalo na tamaan ang mga sibilyan at tiniyak na magsasagawa ng imbestigasyon.