-- Advertisements --
kcna 1 1

Inanunsyo sa isang joint statement ng Amerika, Japan at South Korea na magsasagawa sila ng regular na missile defense at anti-submarine exercises para mapigilan at matugunan ang nuclear at missile threats ng North Korea.

Ginawa ang naturang anunsyo sa 13th Defense trilateral talks na idinaos sa Washington D.C para magpalitan ng assessment sa seguridad sa kapaligiran ng Korean Peninsula gayundin para sa konsultasyon sa konkretong paraan upang mapalalim pa ang trilateral security cooperation ng tatlong bansa.

Hinimok ng mga kinatawan mula sa tatlong bansa ang Democratic People’s Republic of Korea o North Korea na agarang itigil na nito ang lahat ng destabilizing activities at nagbabala na sa oras na magsagawa ito ng nuclear test ay tutugunan ito ng isang matindi at resolute response mula sa international community.

Ang pahayag ng tatlong bansa ay kasunod ng anunsyo ng North Korea nitong Biyernes na naglunsad ito ng bagong solid-fuel intercontinental ballistic missile (ICBM) test na tinawag na Hwasung 18.