-- Advertisements --
Ituturing ng US bilang “transnational criminal organization” ang Wagner group ng Russia.
Ang nasabing mercenary group ay siyang tumutulong sa mga sundalo ng Russia sa paglusob nila sa Ukraine.
Ayon sa White House sa susunod na linggo din ay iaanunsiyo nila ang panibagong sanctions laban sa grupo.
Aabot sa mahigit 50,000 Wagner mercenaries ang kasalukuyang nasa Ukraine.
Dahil sa designation na ito ng US ay mas mapapalawig pa nila malawakang sanctions laban sa Russia.