-- Advertisements --

Patuloy ang pagpapagaling ng US singer si si Sufjan Stevens mula sa auto-immune disorder.

Sa kaniyang social media sinabi ng US indie singer-songwriter na nagpapagaling pa ito sa Guillain-Barre syndrome isang uri ng neurological disorder.

Noong nakaraang buwan aniya ay nabigla na lamang ito ng hindi na siya makapaglakad.

Namanhid ang kaniyang mga kamay at paa kung saan wala itong lakas para maigalaw ang katawan.

Dagdag pa ng 48-anyos na singer na dinala siya sa pagamutan ng kaniyang kapatid na lalaki at doon nakita ang ang nasabing sakit.

Nagpasalamat ito dahil puwede pang gamutin ang nasabing sakit.

Nakilala si Stevens sa US indie music scene kung saan noong 2018 ay nakamit niya ang Oscar nomination para sa best original song na “Mystery of Love”.