-- Advertisements --

Inakusahan ng US ang North Korea na nasa likod ng pag-hack sa sikat na online game na Axie Infinity noong nakaraang buwan.

Dahil sa nasabing hacking ay nakakuha ang mga salarin ng $615-milyon na cryptocurrency.

Ayon sa US na itinuturo nilang nasa likod nito ang grupong Lazarus at APT38 ang mga cyber group ng North Korea.

Itinuturing kasi ng US na ang grupong Lazarus ay kinokontrol ng intelligence bureau ng North Korea.

Ang nasabing grupo rin ang siyang nasa likod ng hacking Sony Pictures noong 2014 kung saan isinawalat sa publiko ang mga confidential na mga data.

Base sa ulat ng Blockchain analysis company na Chainalysis na mayroong mahigit na $400-M na digital assets ang nananakw ng mga North Korean hackers noong 2021 pa lamang.