-- Advertisements --

Ibinunyag ng US na nagsagawa ng mapanganib at agresibong pag-mane-obra ang fighter jet ng China malapit sa kanilang surveillance plane.

Naganap ang insidente habang nagsasagawa ng surveillance ang kanilang RC-135 jet sa West Philippine Sea.

Ayon sa Indo-Pacific Command (INDOPACOM) na nagsasagawa lamang sila ng routinary surveillance sa international air-space.

Magugunitang nagkakaroon ng ilang isyu ang US at China gaya ng pakikipagmalapit nila sa Taiwan at ang pagpapabagsak noon ng Chinese Spy Balloon.

Naniniwala na hindi lamang ito ginawa ng mag-isa ng piloto at maaring may nag-utos umano sa piloto.