Walang intensiyon ang gobyerno ng Amerika na maglagay ng militar nito sa ground kasunod ng mga pag-atake sa Israel ng militanteng grupong Hamas subalit iginiit na poprotektahan ang interes ng US sa rehiyon.
Ayon kay White House National Security Council spokesperson John Kirby, hindi mapagkakailang mayroong pakikipagsabwatan ang Iran sa Hamas subalit hindi aniya nakikita ng administrasyon ni US Pres. Joe Biden na may mabigat na ebidensiya na direktang sangkot nga ang Iran sa pagpaplano ng pag-atake sa Israel.
Sinabi pa ng opisyal na inaasahan ng White House ang karagdagang security requests mula sa Israel at kanilang gagawin ang lahat para matugunan ang naturang pangangailangan sa lalong madaling panahon.
Ginawa ni Kirby ang naturang pahayag kasunod ng napaulat na nakatanggap ang rebeldeng Hamas ng mga armas at military training mula sa Iran.