Nakatakdang tanggapin ng US ang nasa mahigit 100,000 na Ukrainians na lumayas sa Russia.
Ayon sa isang opisyal ng US na kabilang ito sa kanilang US refugee admissions program, parole and immigrant at mga non-immigrant visas.
Kukuha rin aniya sila ng pahintulot sa kongreso para mapalawig ang kasalukuyang bilang na mga taunang refugee na kanilang tinantanggap.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroon lamang hanggang 125,000 na mga refugee ang kanilang tinatanggap ngayong aton.
Hindi pa rin aniya nasasagad ang bilang mga refugee ang kanilang natanggap kaya nagbukas pa sila ng pintuan para sa mga refugees.
Sa ganitong paraan aniya ay mabibigyan ng kaginhawaan ang mga indibidwal sa pressure na kanilang nararanasan dahil sa nagaganap na kaguluhan sa kanilang bansa.