-- Advertisements --

Nagtala ng record si US gymnast Simone Biles sa 2023 World Artistic Gymnastics Championships.

Siya lamang kasi ang unang babae na naging matagumpay sa Yurchenko double pike vault sa isang international competition.

Ang nasabing high-difficulty skill ay ginagawa lamang ng mga kalalakihan kung saan nagtala ng 58.865 na puntos si Biles.

Ito ang unang kumpetisyon na nilahukan ng 26-anyos na si Biles na ang huli ay noong Tokyo 2020 Games.