Pinalikas na ng US ang mga non-essential embassy staff mula sa Haiti dahil sa patuloy na kaguluhan.
Pinaigting din ng US ang kanilang security sa Port-au-Prince ang capital ng Haiti.
Ang hakbang rin ay kasunod ng atake ng mga gangs sa paliparan, police stations at prison.
Target ng mga gangs na patalsikin si Haitian Prime Minister Ariel Henry.
Ayon sa US Embassy na desisyon ng US state Department ang pagpapalikas sa kanilang mga tauhan doon dahil sa tumitinding kaguluhan.
Hindi pa nakabalik sa kaniyang bansa si Prime Minister Ariel Henry dahil sa inatake ng mga gangs ang paliparan at pantalan kaya ito ay nananatili sa Puerto Rico.
Una rito ay pinalawig ng isang buwan ang idineklarang tatlong araw na state of emergency dahil sa hindi mapigilang kaguluhan sa nasabing bansa.
Nakausap na ni US Secretary of State Antony Blinken ang pangulo ng Kenya para tulungan ang Haiti na maibalik ang kapayapaan sa nasabing bansa.
Bukod sa US ay inilikas na rin ng Germany at European Union Missions ang kanilang mga diplomatic staff mula sa Haiti dahil sa patuloy na kaguluhan.