-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapagaling ni US First Lady Jill Biden matapos na sumailalim sa operasyon.
Ayon sa White House na tinanggalan siya ng skin lesion sa ibabaw ng kanang mata at sa kaliwang dibdib nito.
Sinabi ni White House physician Kevin O’Connor na kapag hindi tinanggal ng 71-anyos na first lady ito ay baka lalong lumala at maging cancer na.
Sinamahan siya sa pagamutan ni US President Joe Biden sa Walter Reed facility sa Maryland.
Kinailangan ito ng ilang araw na pamamahinga bago magpatuloy sa mga public events niya.










