Ipinapaubaya na lamang ng Quezon City Police District sa police nito na driver ng mobile patrol na bumangga sa pader at naging sanhi ng pagkasawi ng limang persons under police custody.
Ayon kay Quezon City Police District Traffic Enforcement Unit (QCPD TEU) chief Lt. Col. Josef Geoffrey Lim, na sinampahan na nila ng kaso ang nasabing driver bilang proseso at hahayaan na lamang nito sagutin sa korte ang nasabing alegasyon.
Hinihintay din nila ang technical report mula sa kumpanya ng sasakyan para malaman kung ano ang naging dahilan ng aksidente.
Nilinaw naman ng opisyal na sumunod naman sa tamang proseso ang kapulisan gaya ng pagposas sa mga ito ganun ay nabigyan na ng kapulisan ang mga sugatang kapulisan at ang mga kaanak ng mga nasawing biktima.
Ipapaubaya na rin ng opisyal sa driver ng mobile patrol ang show cause order mula sa Land Transportation Office dahil sa insidente.
Magugunitang pabalik na sa Payatas Jail sa Quezon City ang mobile patrol ng bumangga ito sa isang pader na ikinasawi ng limang katao na pawang mga persons under police custody at ikinasugat ng apat na iba pang mga pulis.
















