-- Advertisements --

Patuloy na pinag-aaralan ng US Food and Drugs Administration (FDA) kung bibigyan ba ng otorisasyon ang Novavax COVID-19 vaccine.

Itinuturing kasi na ang nasabing bakuna na siyang magiging tulong para mabawasan ang bilang ng mga ayaw magpabakuna sa US.

Sa kasalukuyan ay mayroong tatlong bakuna ang aprubado sa US ito ay ang Pfizer, Moderna at Johnson and Johnson.

HInigpitan nila ang pagbibigay ng J&J vaccines dahil sa insidente ng blood clotting lalo na sa mga kababaihan na nasa reproductive age.

Magugunitang naging frontrunners sa mga bakuna ang Novavax subalit nahuli lamang ito dahil sa kakulangan ng suplay at pagkakaantala ng pagbibigay ng regulation nito.