-- Advertisements --
USManilaChancery

Naglabas ng pahayag ang United States Embassy in the Philippines kasunod ng naging pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na pinapasidhi lamang ng Amerika ang apoy sa pamamagitan ng pag-aalok ng US access sa military bases sa Pilipinas malapit sa Taiwan Strait.

Muling binigyang diin ng United States Embassy na isang mahalagang bahagi ng alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (Edca) at hindi laban sa anumang third country.

Ayon pa sa Embahada na ang military exercises sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino ay para makapaghanda sa posibleng crisis situations.

Dagdag pa dito, ang mga EDCA sites ay susuporta sa combined training exercises at interoperability sa pagitan ng mga pwersa ng Amerika at Pilipinas para matiyak na mas handa ang mga ito sa pagtugon sa mga posibleng krisis sa hinaharap.

Subalit paglilinaw ng US Embassy na ang pahayag nito ay hindi direktang tugon sa naging komento ni Chinese Ambassador Huang.