-- Advertisements --
Ipinakita ni US Secretary of Defense Lloyd Austin na nananatiling mahigpit na kaalyado ng Pilipinas ang US.
Ito ang naging pagtitiyak ni Austin sa ginawang pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Pentagon.
Dagdag pa nito na kasama nila ang Pilipinas sa promosyon ng kapayapaan sa Indo-Pacific region.
Pagtitiyak pa nito na nasa likod lagi ang US tungkol sa usapin sa West Philippine Sea.
Sa panig naman ni Pangulong Marcos ay pinasalamatan niya ang US defense secretary dahil sa patuloy ang suportang ibinibigay nito sa Pilipinas.