Inaprubahan ng kortes sa US ang pagbabayad ng nasa $10-million sa ilang libong Martial law victims.

Sa pirmadong kautusan ni US District Court Judge Manuel Real, na siyang humawak ng Marcos litigation noong 1990, na magbibigay ng $9,750,000 (P490-M) o tig-$1,500 (mahigit P75-K) sa 6,500 na biktima ng human rights noong panahon ni ex-president Ferdinand Marcos.

Magsisimula ang pagdistribute ng pondo sa Mayo na magsisimula sa anim na lugar sa Mindanao, siyam na siyudad sa Hunyo at Hulyo.

Sinabi naman ng mga abogado ng mga biktima na sina Robert Swift at Rodrigo Domingo, na ang mga Filipino na naninirahan sa US at ibang bansa ay matatanggap ang tseke sa pamamagitan ng koryo.

Dagdag pa nila na dahil sa karamihan na sa mga biktima noon ng Martial Law abuse ay pumanaw na kaya sa pamilya na lamang nila ito ibibigay.

Noong 1995 ay umabot na sa halos $2biillion ang naibigay ng korte sa Hawaii sa mga biktima ng human rights abuse noong Martial Law.