-- Advertisements --

Susuriin pang mabuti ng mga eksperto kung ang nadiskubre nilang debris ay mula sa hinahanap nilang nawawalang submersible.

Nadiskubre ng remotely operated vehicle ng US Coast Guard ang nasabing debris malapit sa Titanic submersible search area.

Sa ngayon ay doble kayod ang mga otoridad para mahanap ang kinaroroonan ng nasabing nawawalang submersible na may lulan ng limang katao na kinabibilangan ng isang British adventurer, French diver, mag-amang Pakistani at ang may-ari ng OceanGate Expedition.

Nagtulong-tulong na ang mga iba’t-ibang ahensiya para mahanap ang nasabing nawawalang submersible.